Sa kabila ng mga pagbabagong panlipunan, nananatiling pinagkakaitan ng karapatan ang maraming bata sa Pilipinas. Bagama’t kung lilinangi’y may sariling gahum, humaharap ang maraming bata sa malalalim at sala-salabat na depribasyon at vulnerabilidad na sagabal sa kanilang pakikilahok at pag-unlad. Isa sa mga dahilan nito ang kaayusang panlipunang hindi nagbibigay-tinig sa mga bata. Mistulang humahamon sa kayariang panlipunang ito ang napakahalagang libro ni EJ Bolata na nagtatanghal sa mga bata sa kasaysayan at panitikang Pilipino. Sapagkat may kaalaman ukol sa at kamalayan para sa mga bata, mabisang kasangkapan ang libro sa pagpapalitaw sa gahum ng mga bata sa lipunang Pilipino. Patunay ang librong hindi lang basta bata ang mga bata.
Despite the social changes, many Filipino children remain to be disenfranchised of their rights. Although if to be developed they shall have their own power, many children still face the multi-layered and intertwined forms of deprivation and vulnerability that hinder their participation and progress. One of the causes is the social order that silences the children. This important work of EJ Bolata seems to challenge this social structure, by recentering the children in the fields of Philippine history and literature. Due to the knowledge on and consciousness for the children, the book serves as a useful tool to reveal the power of children in Filipino society. The book manifests that children are not merely children.