Si Dante L. Ambrosio at ang Kasaysayan ng Etnoastronomiyang Pilipino, 1992–2010 (Dante L. Ambrosio and the History of Philippine Ethnoastronomy, 1992–2010)
Historical Bulletin
Tinatalunton sa papel na ito ang interes at ambag ng historyador na si Dante L. Ambrosio (1951–2011) sa pagsasakasaysayan ng etnoastronomiyang Pilipino. Binansagang “ama ng etnoastronomiyang Pilipino,” napatanyag si Ambrosio dulot ng kaniyang mga pananaliksik, na primaryang kinakatawan ng kaniyang aklat na Balatik: Etnoastronomiya: Kalangitan sa Kabihasnang Pilipino (2010). Inilahad niya rito ang kabang-yaman ng mga pananaw, paniniwala, kaalaman, at kaugalian ng mga katutubong Pilipino hinggil sa kalangitan, na kinakasangkapan din para sa mga gawaing pangkabuhayan at pangkalinangan. Isinasalaysay sa papel na ito ang henesis ng kaniyang interes sa astronomiya mula 1965 matapos niyang masaksihan ang pagdaan ng Kometa Ikeya-Seki, hanggang sa kaniyang pag-alam sa mga katutubong bituin noong 1982 bilang mag-aaral ng kasaysayan sa Unibersidad ng Pilipinas, hanggang sa panimulang pananaliksik tungkol sa etnoastronomiya mula 1992 bilang bahagi ng programang doktorado, pagsasagawa ng fieldwork sa Tawi-Tawi noong 1995–2000, at pagsulat ng kaniyang disertasyon na pinamagatang “Balatik: Kalangitan bilang isang Saligan ng Kabihasnang Pilipino, 1582–Kasalukuyan” (2003).
Iginigiit din sa papel na ito na bagaman may malaking pagkakaiba ang paksa niya para sa tesis masterado, na tungkol sa militanteng kilusang pangmanggagawa, sa paksa niya sa disertasyon, may masisilayan tayong pagpapatuloy at pagsasalikop ng dulog at ideya sa dalawang pag-aaral—lalo na ang isinusulong niyang historiograpikong konsepto ng “kapaligiran.”
Iginigiit din sa papel na ito na bagaman may malaking pagkakaiba ang paksa niya para sa tesis masterado, na tungkol sa militanteng kilusang pangmanggagawa, sa paksa niya sa disertasyon, may masisilayan tayong pagpapatuloy at pagsasalikop ng dulog at ideya sa dalawang pag-aaral—lalo na ang isinusulong niyang historiograpikong konsepto ng “kapaligiran.”
Keywords
Dante L. Ambrosio
etnoastronomiya
balatik
kilusang manggagawa
kapaligiran
Faculty Involved:
Emmanuel Jayson V. Bolata
Assistant Professor
Focus: Cultural history of science (astronomy and cosmology), Literary studies (Philippine folk epics, poetry, and children’s literature), Folklore studies, Local history (Marinduque)