Teksto at Talastasan: Pagmumuni at Pagbabalangkas sa Kasaysayan-bilang-Komunikasyon
Emmanuel Jayson V. Bolata, M.A.

Bolata, Emmanuel Jayson V. 2023. “Teksto at Talastasan: Pagmumuni at Pagbabalangkas sa Kasaysayan-bilang-Komunikasyon.” Talas: Interdisiplinaryong Journal sa Edukasyong Pangkultura 6: 25-63. 

Abstract

Pinagmumunihan sa sulating ito ang ilang pamamaraan sa pagtuturo ng kasaysayan ng Pilipinas, partikular ang sentralidad ng teksto at talastasan. Sa pagtutuon sa teksto at talastasan, mapalilitaw ang mga kaisipan at praxis ng kasaysayan-bilang komunikasyon. Gamit ang mga kaisipan hango sa set theory, inilalatag din ang balangkas ng daloy, interseksyon, at antas ng “may-akda” at “teksto” sa proseso ng pagsasakasaysayan. Tumutukoy ang mga ito sa tao at sa tekstong sangkot sa tekstuwalisasyon ng kasaysayan o produksyon ng mga akdang pangkasaysayan. Mula sa balangkas na ito, mapalilitaw ang mga deviation, o pagtiwalag, pag-alpas, o di-pagsunod sa nakatakdang prinsipyo o daloy ng balangkas, na nakatutok sa pagkawala ng eksperto, o ang historyador. Nagbubunga ang deviation ng mga hamon at problemang historiograpikal na kasalukuyang kinahaharap ng/sa pag-aaral at pagtuturo ng kasaysayan ng Pilipinas.

Keywords: kasaysayan, komunikasyon, dialogo, may-akda, teksto, deviation