Oryentasyon para sa mga Bagong Mag-aaral ng UP Departamento ng Kasaysayan

Noong 19 Hulyo at 30 Setyembre 2024, isinagawa ng UP Departamento ng Kasaysayan ang mga oryentasyon para sa mga bagong di-gradwado at gradwadong mag-aaral ng Departamento.

Noong 19 Hulyo, sinalubong ng Departamento ang mga bagong mag-aaral ng programang di-gradwado ng Kasaysayan (BA Kasaysayan) sa Silid Balatik, Pavilion 2, Palma Hall. Sa pagsalubong na ito ay ipinakilala ang buong kaguruan ng departmento gayundin ang oryentasyon hinggil sa kanilang kurikulum.

Samantala, noong 30 Setyembre 2024, isinagawa ng Departamento ang “Araw ng mga Gradwadong Mag-aaral ng Kasaysayan.” Dumalo ang mga bago at nagpapatuloy na mga gradwadong mag-aaral sa programang masterado at doktorado. Layunin ng aktibidad na ito na ibahagi sa mga mag-aaral ang mga proseso sa unibersidad, detalye ng mga curriculum, proseso ng ethics review ng CSSP, at iba pang bagay na nauukol sa mga programang gradwado ng Departamento.