Isinagawa ng UP Departamento ng Kasaysayan noong 20 Hunyo 2024 ang “History Graduating Students Assembly” at “Kas Career Talks” para sa mga mag-aaral ng programang BA Kasaysayan.
Isinagawa sa umaga ang “History Graduating Students Assembly” para sa mga mag-aaral sa programa na nakatakdang magtapos noong Hulyo 2024. Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na pagpapabuti at pagpapahusay ng pagpapadaloy sa programang BA Kasaysayan. Ito ay pinangunahan ng Quality Assurance Committee ng Departamento, at nagsilbing tagapapadaloy ng pagtitipon si Dr. Kristyl N. Obispado, Kawaksing Propesor ng Kasaysayan.
Samantala, isinagawa sa hapon ng nasabing araw ang “Kas Career Talks” para sa lahat ng mag-aaral ng programang di-gradwado ng Departamento. Inanyayahan upang ibahagi ang kanilang karanasan bilang mga nagtapos sa Departamento, gayundin, upang magbigay-payo sa buhay-propesyunal sina: Alvin Ancheta, kasalukuyang isang Foreign Service Officer sa Department of Foreign Affairs at dating Katuwang na Propesor sa UP Departamento ng Kasaysayan; Natasha Kintanar, Executive Director/Co-Founder ng Tuklas Pilipinas; at Victor Enrique Bolinao, Public Prosecutor mula sa Department of Justice.