Tabalon, Carlos Joaquin R. 2023. “Kapaki-pakinabang na Moda ng Transportasyon? Mga Pananaw ng Diskursong Historiograpikal sa Trambiya ng Kolonyal na Kamaynilaan.” HAMAKA E-Journal 3: 40–56.
Abstract
Malimit na ginagamit bilang halimbawa ng ulirang sistema ng transportasyong pampubliko ang trambiya na bumaybay sa Kalakhang Maynila noong panahon ng pananakop. Ngunit maliban sa pananaw ng publiko, mahalagang malaman din kung paano tinatanaw ng mga akademikong iskolar ang trambiya, sapagkat mayroon silang kakayahang bigyan ng intelektuwal na lalim ang paksa ng trambiya sa pamamagitan ng kanilang masugid na pananaliksik. Samakatuwid, mainam na tanungin – nakita ba ng mga iskolar ang trambiya bilang isang moda ng transportasyong pampubliko na naging kapaki-pakinabang para sa mga tao ng Kamaynilaan sa kabila ng pagiging likha nito ng kolonyalismo? Sisikapin ng sanaysay na ito na sagutin ang katanungan sa pamamagitan ng pagbibigay ng detalyadong diskusyon ng diskursong historiograpikal ng trambiya ng kolonyal ng Kamaynilaan.
Mga susing salita: trambiya, Maynila, kolonyalismo, transportasyon