Ilaya-Ilawod: Ang Bayan sa Harap ng Hamon ng Kolonisasyon
  ADHIKA ng Pilipinas Inc. & National Commission for Culture and the Arts
Mauugat sa mahabang kasaysayan ng Pilipinas ang konsepto ng ilaya at ilawod kung saan nagaganap ang ugnayan ng mga komunidad mula pa sa sinaunang pamayanan. Pangunahing naging ugnayan ng ilaya at ilawod ang pagpapalitan ng produkto ayon sa kabuhayang angkop sa magkaibang sistemang pang-ekolohiya. Ang katangian ng mga pamayanan batay sa heograpikal at ekonomikal na ugnayan ay maaaring suriin upang maunawaan ang kasaysayan ng baybay-dagat at interyor sa pamayanang Pilipino na siyang dinatnan ng mga mananakop. Papaano nga ba binago ng kolonyalismo ang kaayusan ng mga pamayanan dulot ng kanilang pananakop? Anu-ano ang mga salik na nakaapekto sa ugnayang pampulitika, pangkabuhayan, pangkalinangan at pangkapaligiran sa panahong kolonyal? Sinasagot ng mga pananaliksik ang mga nasabing katanungan sa pamamagitan ng paglalatag sa naging kaayusan ng bayan sa hamon ng kolonisasyon.
Faculty Involved:
Janet S. Reguindin-Estella, Ph.D.
Assistant Professor
Focus: Life history, women’s history, and local and environmental history of Zambales