Maagang Etnograpiya sa Pilipinas: Ang Kababaihan sa Mata ng mga Europeong Manlalakbay sa Panahong Kolonyal
Kasaysayan, Kamaynilaan, Kababaihan: Mga Pananaliksik bilang Pagpupugay kay Dr. Ma. Luisa T. Camagay
Sa Pilipinas, itinuturing na maagang Antropolohiya ang mga pagbabahaging ginawa ng mga kronistang Español (karamihan ay prayle) na nagtala ng mga paglalarawan tungkol sa mga gawain at paniniwala ng mga katutubo. Ang mga tala nina Antonio Pigafetta, Miguel de Loarca, Pedro Chirino, Juan de Medina, at iba pang kronista ang itinuturing na maagang patunay ng Etnograpiya sa bansa. Ang Kasaysayang Etnograpiko ay mahalaga upang mabigyang-linaw ang maraming aspekto sa kultura at kalinangang Pilipino na hindi pa ganap na nauunawaan ng marami. Mahalaga kung gayon na pagtuunan ng pansin ang mga maagang salaysay na ito upang makita kung papaanong binago ng kolonyal na salaysay at/o polisiya ang pamumuhay ng mga katutubo bago ang kolonyalismo at pagpasok ng mga impluwensiyang dayuhan.
Maliban sa mga kronistang Español, interesante ring masuri ang mga tala ng mga manlalakbay na Europeo sa Pilipinas upang makita ang kanilang mga salaysay tungkol sa kultura ng mga Pilipino sa panahong kolonyal. Kaiba sa mga kronista, masasabing hindi gaanong malakas ang impluwensiya ng Katolisismo sa kanilang mga naratibo. Maaaring ihambing kung gayon ang mga salaysay ng mga kronista at ng mga manlalakbay upang makita kung anu-ano ang mga pagbabagong naipasok sa proseso ng kolonyalismo.
Ang papel na ito ay isang pagtatangkang suriin ang mga paglalarawan ng mga Europeong manlalakbay sa mga katutubong babae sa panahon ng kolonyalismong Español. Bagama't masasabing hindi estruktural na etnograpiya' ang kanilang naging gawain, maituturing pa rin itong Etnograpiya at/o Antropolohiya dahil ipinakita ng mga talang ito ang obserbasyon ng mga manlalakbay sa kulturang kanilang nasaksihan—paglalarawan ng mga katutubo at ng babae sa partikular. Pagtutuunan ng pansin ang mga aspektong may kinalaman sa pagiging babae at seksuwalidad at kung papaano ito nakapaloob sa isang partikular na kultura. Layunin ng papel na ito na makapag-ambag sa kasaysayan ng maagang etnograpiya at mga kaugnay na pag-aaral sa Antropolohiya sa bansa.

Faculty Involved:
Janet S. Reguindin-Estella, Ph.D.
Assistant Professor
Focus: Life history, women’s history, and local and environmental history of Zambales