Ang Dalawang Maria ng Malabon: Panata Bilang Pagsasabuhay sa mga Pagpapahalagang Pilipino sa Konteksto ng Ugnayang Pangkasaysayan at Pangkalinangan ng La Inmaculada Concepcion at La Purisima Concepcion ng Malabon
Kerby C. Alvarez, Ph.D.

Alvarez, Kerby C. 2020. “Ang Dalawang Maria ng Malabon: Panata Bilang Pagsasabuhay sa mga Pagpapahalagang Pilipino sa Konteksto ng Ugnayang Pangkasaysayan at Pangkalinangan ng La Inmaculada Concepcion at La Purisima Concepcion ng Malabon,” DIWA E-Journal 7: 1-38.

Abstract

Pinayaman ng pag-iral ng dalawa sa pinakamatandang pangrelihiyong institusyon sa Malabon— ang Romano Katolikong Parokya ng La Inmaculada Concepcion (PLIC) at ang Aglipayanong Parokya ng La Purisima Concepcion (PLPC) ang pangkasaysayan, pangkalinangan, at pangrelihiyong pag-unlad nito. Ang nasilayang pagkakatulad, o pagkakaiba, ng mga doktrina at pagsamba sa kanilang mga pintakasi ay nag-ambag sa malalim na pananampalataya sa Birheng Maria sa Malabon, na mababakas sa manipestasyon ng indibidwal na paniniwala, kolektibong pananampalataya, at mga pagdiriwang-pagpupunyagi kay Maria bilang inang pintakasi. Ang ugnayan ng pagitan ng dalawang simbahan ay mailalarawan bilang dramatiko, maigting, at panaka-naka ang “sigalot at “kapayapaan”— lalo na’t ang dalawa ay sumasandig sa kanilang pananampalataya sa Birheng Maria, na itinuturing na simbolo ng pagmamahal at kapayapaan, sa konteksto ng isang maigting na pagpapakita na ang pananampalataya ng isa ay mas tunay o higit sa kabila. Ang pag-aaral na ito ay isang pagsusuri sa kasaysayan at manipestasyon ng panata sa Birheng Maria bilang pagsasabuhay ng ilang pagpapahalagang Pilipino. Kabilang rito ang maigting na pananampalataya, pakikipag-kapwa, at pagpapakatao. Sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga talang historikal, gayundin ang pakikipanayam sa ilang piling indibidwal na namamanata o deboto ng Birheng Maria mula sa dalawang simbahan, makikita na ang mga pagpapahalagang ito ay nasasalamin sa pagpapakahulugan sa debosyon sa birhen, pagtatasa sa kanilang kaalaman at pagtitimbang sa hidwaan ng dalawang simbahan, partikular tungkol sa awtentisidad ng imahen ni Maria na kani-kaniyang dinadambana, at ang kanilang pagmumuni- muni sa gampanin ng indibidwal na pamamanata bilang pagpapakita ng gampanin sa mas malawak na lipunang ginagalawan. Nais ng papel na ito na tasahin ang ugyang pulitikal at kultural ng dalawang simbahan, batay sa kaniyang dokumentadong kasaysayan, at pananaw ng mga nakapanayam na miyembro. Tatangkain ng papel na ito na ipaliwanag ang iba’t ibang dimensiyon at manipestasyon ng panata bilang pagsasabuhay pagpapahalagang Pilipino, batay sa karanasang kultural at pulitikal ng dalawang simbahang Kristiyano sa Malabon.

 

Mga Susing Salita: Panata, Debosyon, La Inmaculada Concepcion, La Purisima Concepcion, Birheng Maria, Malabon

Abstract

The existence of two of the oldest religious institutions in Malabon, Philippines – the Roman Catholic Inmaculada Concepcion Parish and the Iglesia Filipina Independiente’s La Purisima Concepcion Parish has enriched the historical, cultural, and spiritual development of the 400-year-old town. Similarities and differences in religious teachings and ritualization of their respective patron saints contributed significantly to the popularization of devotion to the Virgin Mary in Malabon, manifested through individual faith, collective commitment, and formations and festivities in honor of Mary as the holy mother. The relationship of the two churches is described as dramatic and complex, and there is the frequent “clash” and “unity” – given that the two churches’ fundamentally subsists on their deep devotion to the Virgin Mary, who, in the context of rigorous display of one’s faith over the other, is considered the symbol of love and peace. This study is an analysis of the history and manifestations of devotion to the Virgin Mary as expression of various Filipino values. Unyielding faith, extending the self, and humaneness are the ones discussed in this work. Through an evaluation of historical information and interviews with select devotees of the Virgin Mary from the two churches, it is evident that these values are reflected in the characterization of the devotion to the Virgin Mary, appraisal of their knowledge and balancing of views on the conflict of the two churches, specifically on the issue of authenticity of the image of Mary, and their opinion on the use of individual devotion as demonstration of their role in the larger society they are part of. This paper aims to assess the political and cultural relations of the two churches, based on the documented history, and views from some of their members. It attempts to illustrate the numerous dimensions and manifestations of faith as expression of Filipino values, based on the cultural and political experiences of these two Christian churches in Malabon.

 Keywords: Faith, Devotion, La Inmaculada Concepcion, La Purisima Concepcion, Virgin Mary, Malabon

 

Link: http://www.pssp.org.ph/diwa/diwa-e-journal-tomo-7-nobyembre-2019-ang-dalawang-maria-ng-malabon-panata-bilang-pagsasabuhay-sa-mga-pagpapahalagang-pilipino-sa-konteksto-ng-ugnayang-pangkasaysayan-at-pangkalinangan-ng-la-inmacu/