Pagsasakasaysayan ng Klima, Kalangitan, at Kalamidad: Historyograpikong Sarbey sa mga Akdang Siyentipiko at Historikal ni Miguel P. Selga, 1920s–1972
  Historical Bulletin
Ang mga siyentista sa Pilipinas noong ika-20 dantaon ay malaki ang ginampanang papel sa magkatambal na usapin ng produksiyon ng kaalaman at pagbubuo ng bansa. Ang mga siyentistang ito, na bahagi ng mga institusyong akademiko at ahensiyang pang-agham ng bansa, ay nagsulong ng porma ng pananaliksik at pagbubuo ng mga larangan ng kaalaman tungo sa pagbubuo ng intelektuwal na pundasyon ng pagkabansa.

Ilalahad ng papel na ito ang isang historyograpikong pagsusuri sa mga akdang siyentipiko at historikal ni Padre Miguel Selga mula 1920s hanggang 1972, lalo na sa panahong siya ang direktor ng Philippine Weather Bureau (PWB) mula 1926 hanggang 1945. Titingnan ang produksiyon ng kaalaman tungkol sa kapaligiran, klima, at mga penomenong meteorolohiko, sismolohiko, at astronomiko, gayundin ang kanyang ambag sa larangang historikal. Sa pagsusuring ito, makikita ang isang takbo ng historyograpiyang nakatuon sa kalagayan at prosesong pangkapaligiran, na mahalaga sa pagpapalawak ng unawa sa ebolusyon ng lipunan at pagpapayaman sa historiograpiyang Pilipino.
Keywords
Miguel Selga
meteorolohiya
seismolohiya
astronomiya
Philippine Weather Bureau
Faculty Involved:
Kerby C. Alvarez, Ph.D.
Professor
Focus: Environmental History, History of Hazards and Disasters in the Philippines, Philippine Nationalism, Popular Culture, Local History of Malabon