Tungo sa unang sentenaryo ni Bonifacio: Mga Pakikibaka at Pagpupunyagi para sa Supremo ng Katipunan, 1897–1963
Kristoffer R. Esquejo, Ph.D.

Esquejo, Kristoffer R. 2019. “Tungo sa unang sentenaryo ni Bonifacio: Mga Pakikibaka at Pagpupunyagi para sa Supremo ng Katipunan, 1897–1963” (Towards Bonifacio’s first centennial: The struggles and endeavors for the Supremo of the Katipunan, 1897–1963), Social Science Diliman 15(2): 1-27.

Abstract

Sa kabila ng matayog na papel na ginampanan ni Andres Bonifacio sa pagtatatag ng Katipunan at pagpapasiklab ng Himagsikang 1896, lubhang naging mabagal ang isinagawang pagkilala sa kaniya ng estado at ng akademya. Matapos ang mapait na kamatayan ng Supremo noong 1897, nasadlak ang kaniyang alaala sa negatibong pagkakakilanlan na sinabayan pa ng pagtatangka ng ilang sektor na supilin ang paggawad sa kaniya ng maringal na pagkilala bilang bayani. Gayunpaman, hindi natinag ang ilang samahang pansibikong maka-Bonifacio, kaisa ang ilang akademiko at lider pampolitika, upang itampok at iluklok siya sa pedestal. Bunga ng kanilang marubdob na pagsusumikap, kalaunan ay tuluyan na siyang itinanghal ng estado na makikita sa pagsulputan ng samu’t saring monumento, lansangan, paaralan, at salaping barya at papel na lantarang gumugunita sa kaniyang kabayanihan at kadakilaan. Batay sa mga pahayagan at ilang nailathalang gunita, ang papel na ito ay isang historiko-kultural na analisis ng mga pangyayari kung paano ginunita at itinanghal ng mga samahang pansibiko, akademya, at estado ang Supremo ng Katipunan simula 1897 hanggang 1963, ang taon ng sentenaryo ng kaniyang kapanganakan. Sa pamamagitan nito, nilalayon ng papel na ito na makapag-ambag sa lumalagong larangan ng araling gunita (memory studies) at pulitika ng gunita (politics of memory).

Mga Susing-Salita: araling gunita, Bonifacio, Himagsikang 1896, Katipunan, Supremo

(Despite Andres Bonifacio’s founding of the Katipunan and launching of the 1896 Revolution, the state and the academe’s posthumous recognition for his immense role in the Philippine Independence was very slow. After his tragic death in 1897, his memory was largely ignored and tainted in shame while some sectors attempted to suppress the popular veneration for him as a hero. Still, some pro-Bonifacio civic organizations, with the support of some academicians and political leaders, were not discouraged from keeping his memory alive and putting him on the pedestal. Due to their tireless efforts, he was eventually accorded exaltation as reflected in the mushrooming of monuments, roads, schools, and currency coins and notes that publicly memorialize his heroism and greatness. This paper is a historico-cultural analysis of how civic organizations, the academe, and the national government attributed the Katipunan Supremo’s memory from 1897 to 1963, the year of his birth centennial. This way, the present study aims to contribute to the growing discourse on memory studies and politics of memory.)

Keywords: memory studies, Bonifacio, 1896 Revolution, Katipunan, Supremo

Link: https://journals.upd.edu.ph/index.php/socialsciencediliman/article/view/7367