Saplot: Isang historiograpikong pagsipat sa pamanang pangkasuotan at modang sining ng mga Pilipino
NEU Kaningningan Journal: An Interdisciplinary and Multidisciplinary Journal of New Era University Center for Philippine Studies
Ang papel na ito ay naglalayong magsuri sa kahalagahan ng saplot o kasuotan sa kabuuan bilang isang anyo ng pamanang kultural at sining ng mga Pilipino. Sa pamamagitan ng isang historiograpikal na pagsipat, tatalakayin sa papel ang pangkasaysayang kahalagahan kaugnay ng pagbabago at pag-unlad ng tradisyon ng pananamit at istilo sa iba’t ibang panahon sa kasaysayan ng Pilipinas.
Nais na ipakita ng may-akda sa papel ang isang historiograpikong pag-unawa at bigyang halaga ang kasuotan sa pangkalahatan bilang isang cultural currency at kaparaanan sa paglikha ng panlipunang identidad ng mga Pilipino. Sa pamamagitan ng gagawing pagsusuri sa pamanang saplot o kasuotan at platapormang artistiko ng moda sa partikular, titingnan sa papel ang tradisyon ng pananamit sa nakaraan hindi lamang bilang ekspresyong kultural, kundi isang mahalagang batis ng impormasyon sa pagsasakasaysayang Pilipino.
Sa pag-aaral, ang mga di-kumbensyonal na mga batis na ginamit mula sa UP College of Home Economics, National Museum of the Philippines, at Aga Khan Museum ng MSU – sa Lungsod ng Marawi, ay walang pag-aalinlangang repositoryo o baul ng mga pangmodang ekspresyon, di dokumentaryong mga batis, at nagtatampok kung gayon ng ideyang meta-komunikasyon na dinalumat ni Gregory Bateson at ng meta-naratibo na ipinalaganap naman halimbawa sa kabilang dako nina E.P. Thompson, Michel Foucault, at Jean Scott. Mahalaga ang paghahango ng mga meta-mensahe sa pagsasakasaysayan gamit ang platapormang modang sining ng mga Pilipino.
Sa akda, ginamit na conceptual tool ang linggwistiko konstrak ng “ka-suot-an” upang bigyang halaga ang ideya ng “saplot” sa katawan na organikong nakaugnay sa gawain ng mga Pilipino ng “pagsu-suot,” “pagbi-bihis,” at “pagda-damit.” Makabuluhan ang gawaing ito sa pagsilip sa pagpapasundayag moda upang makabuo ng kaalamang pangkasaysayan mula sa nasabing pamanang saplot o kasuotan at modang sining. Sa pag-aaral, ginamit ng may akda ang Teorya ng Pamanang Kultural (TPT) upang sipatin ang kahalagahan ng kasuotan bilang bahagi ng yamang kultural at pinaghanguan ng artistikong platapormang moda na ginamit ng mga Pilipino. Sa pamamagitan TPT, napansin sa isinagawang pag-aaral ang saysay ng pagkakaugnay ng kasuotan sa tradisyon, kultura, at identidad ng mga Pilipino sa paghahango ng mga meta-mensaheng mapagsasampayan ng mga meta-naratibong pangkasaysayan.

Keywords
Historiograpiya
Kasuotan sa Pagsasakasaysayan
Meta-komunikasyon
Meta-mensahe
Meta-naratibo
Pagsasakasaysayang Pilipino
Faculty Involved:
Vicente C. Villan, Ph.D.
Professor
Focus: heritage studies and museology, discourse studies in the social sciences, Spanish Philippines, Visayan history and culture, history of the Philippine Revolution, and Philippine Martial History.