4th Loretta Makasiar Sicat Prize for the Social Sciences Awarding Ceremony and Scientific Lecture
Isang mainit na pagbati kay Katuwang na Propesor Emmanuel Jayson V. Bolata sa pagkapanalo ng Loretta Makasiar Sicat Prize for the Social Sciences para sa kanyang thesis na pinamagatang “Filipino Reception and Appropriation of Modern Astronomical Knowledge, 1859 – 1958.” Isang malaking karangalan ang iyong tagumpay, at patuloy na inspirasyon sa ating komunidad!
Iginawad kay Kat. Prop. Emmanual Jayson V. Bolata ang gantimpala noong 11 April 2025 sa Pilar Herrera Lecture Hall, Palma Hall, University of the Philippines Diliman, sa pangunguna ng Philippine Social Sciences Council (PSSC) at sa pakikipagtulungan ng UP Departamento ng Kasaysayan. Nagbigay rin si Kat. Prop. Bolata ng lektura tungkol sa kaniyang tesis masterado.


Dinaluhan ng pamilya Sicat ang seremonya ng paggagawad at lektura, partikular na si Gng. Michelle Sicat, ang pangunahing tagapagtaguyod ng gawad, na sa unang pagkakataon ay lumipad mula sa Estados Unidos upang saksihan ang okasyon.
Dumalo rin sa pagdiriwang ang mga kasapi ng Komite Tagapagpaganap ng PSSC—Tagapangulo na si Dr. Shirley Dita, Ingat-Yaman na si Gng. Wilhelmina Mañalac, at Pangkalahatang Direktor na si Dr. Lourdes Portus—gayundin si Dr. Emma Porio, kasapi ng Lupon ng mga Hurado, si Dr. Ruth Lusterio-Rico, Dekana ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (CSSP), at si Dr. Ruel Pagunsan, Tagapangulo ng Departamento ng Kasaysayan, bilang pagpupugay sa kahusayan at ambag sa larangan ng pananaliksik.
Binabati namin ang lahat ng pinarangalang natatanging iskolar sa agham panlipunan ngayong taon:
Unang Gantimpala: Asst. Prof. Emmanuel Jayson V. Bolata
Ikalawang Gantimpala: Gng. Regina Grace P. Pasion
Ikatlong Gantimpala: Asst. Prof. Noah D.U. Cruz
Ikaapat na Gantimpala: Gng. Kathleen Faye A. Lagasca
Ikalimang Gantimpala: Dr. Marwin Elarco Obmerga
