Journal Article Mga Suliranin sa Pananaliksik at Pagsusulat ng Kasaysayang Lokal: Ang Halimbawa ng Zambales Philippine Social Sciences Review

Abstract
Sa kasaysayan ng historiograpiyang Pilipino, malaon nang sinalungguhitan ang puwang ng kasaysayang lokal sa pagpapayaman ng mga salaysay ukol sa iba’t ibang kaganapan at karanasan sa Pilipinas. Mula 1970s, pinaksa ng mga historyador ang kasaysayang lokal bilang paraan ng pagbubuo ng kasaysayan ng mga Pilipino. Gayunpaman, hanggang sa kasalukuyan, nananatili pa rin ang mga hamon sa pananaliksik at pagsusulat ng kasaysayang lokal na una nang binanggit ng mga historyador gaya nina John Larkin (1972), Leslie Bauzon (1978), Romeo Cruz (1984), at Jaime Veneracion (1992).

Gamit ang halimbawa ng Zambales, layunin ng papel na ito na lumahok sa talastasan kaugnay ng kasaysayang lokal sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga naisulat nang kasaysayan ng lalawigan at pagtukoy sa mga suliranin sa pagbuo ng isang kasaysayang lokal. Sa pamamagitan ng pagsusuring historiograpikal sa mga nailimbag na mga akda tungkol sa Zambales, nais patunayan ng artikulong ito ang pangangailangan ng higit na masusing pagsasakasaysayan sa lalawigan sa pamamagitan ng angkop na metodolohiyang pangkasaysayan.
Keywords
Kasaysayang Lokal
Zambales
historiograpiya
suliranin sa pananaliksik
metodolohiya sa kasaysayan
Read the publication   View Publication

Reach out to the researchers:
Janet S. Reguindin-Estella, Ph.D. jsreguindin@up.edu.ph