Obispado receives NCCA Young Historian’s Prize
Published on 24 November 2026 | UP Department of History
Kinikilala ng Young Historian’s Prize ang mga Pilipinong iskolar para sa kanilang mga natatanging publikasyon sa kasaysayan at historyograpiya ng Pilipinas batay sa malawak na paggamit ng mga primaryang sanggunian. Iginagawad ito ng National Committee on Historical Research ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining.
Gaganapin ang paggawad ng parangal sa Disyembre 2, 2026, 2:00 ng hapon sa Tanghalang Leandro V. Locsin, NCCA Building, Intramuros, Maynila, kung saan ilalahad din ni Dr. Obispado ang kaniyang pananaliksik.