• Home
  • About Us
    • About the Department
    • Department Officials
  • Program
    • BA History
    • Graduate Programs: MA History and PhD History
    • Course Offerings
  • People
  • News & Events
  • Publications
  • Opportunities
  • Contact Us
DEPARTMENT OF HISTORY
COLLEGE OF SOCIAL SCIENCES AND PHILOSOPHY
UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES DILIMAN

Santillan as New CSSP Dean

Published on 16 November 2026 | UP Department of History

PROF. NEIL MARTIAL R. SANTILLAN, Ph.D.
Propesor, Departamento ng Kasaysayan

Tagapangulo, National Commission for Culture and the Arts (NCCA)-
National Committee on Historical Research (2023-2025)

Pangalawang Tagapangulo, National Commission for Culture and the Arts (NCCA)-
National Committee on Historical Research (2020-2022)

Tagapangulo, Departamento ng Kasaysayan (2017-2023)

Bise Tsanselor para sa Usaping Pangmag-aaral, UP Diliman (2014-2016)

Kawaksing Dekano para sa Administrasyon at Gawaing Panlabas,
Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (2010-2014)

Project Development Associate for Faculty and Staff Mobility,
Office of International Linkages Diliman (2025-2026)

Ang komunidad ng mga Konsensiya ng Bayan – propesor, kawani, REPS at mag-aaral, ay humaharap sa panibagong daluyong ng mga hamong institusyunal at panlipunan. Sa isang banda, hinahamon tayo ng ating mandato bilang isang akademikong institusyon upang magsaliksik ng kaalaman at maghasa ng mga kaisipan, Sa isa pang banda, naroon ang pangangailangan ng proaktibong pagsasabuhay ng mga kritikal at malay-sa-danas na pananaw para sa panlipunang pag-unlad. Ang mga landasing ito ay maaring tahakin nang magkasabay tungo sa pagtuklas ng pinakanaaayong pamamaraan ng paglilingkod akademiko. Sa patuloy na bumibigat na gampanin ng mga larangan ng agham panlipunan at pilosopiya sa panlipunang pagtatasa at pag-unlad, naniniwala kami na napakahalaga ng isang pamunuang patuloy na magbubuklod at magpapatibay sa tindig ng kolehiyo bilang isang institusyong pang-akademiko. Naniniwala kami na ang patuloy na pagpapalakas ng institusyunal na integridad ay isang napakahalagang gampanin ng Dekano ng Kolehiyo. Naipamamalas ito sa pamamagitan ng progresibong pagpapayabong ng akademikong kalakasan ng kaguruan, pagpapatibay ng kapasidad administratibo ng mga opisina at kawani, at ang pagtugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral ng kolehiyo.

Bilang isang akademiko at administrador, taglay ni Dr. Neil Martial R. Santillan ang mga katangian upang maging susunod na Dekano ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya. Naniniwala kami na subok ang kanyang husay at karanasan sa pamamahalaang akademiko. Sa loob nang halos 14 na taon, humawak siya ng iba’t ibang mga administratibong katungkulan sa kolehiyo, unibersidad, at ahensiyang kultural ng bansa. Kabilang ang pagiging Kawaksing Dekano para sa Administrasyon at Gawaing Panlabas, Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya mula 2010 hanggang 2014, Bise Transelor para sa Usaping Pangmag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman mula 2014 hanggang 2016, Tagapangulo ng Departamento ng Kasaysayan ng dalawang termino, mula 2017 hanggang 2023, at bilang Tagapangulo (2023-2025) at Pangalawang Tagapangulo (2020-2022) ng National Committee on Historical Research (NCHR) ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA). Sa kasalukuyan, nagsisilbi siya bilang Project Development Associate for Faculty and Staff Mobility ng Office of Institutional Linkages (OIL) Diliman.

Bilang Dekano ng kolehiyo, isinasabuhay ni Dr. Santillan ang mga katangian bilang tagapagpadaloy ng mga inobatibong institusyunal na pag-unlad, tagapagsulong ng proaktibong reporma, at tagapagbuo ng kolektibong posisyon at konsensus sa mga kritikal na desisyon at paninindigan ng isang institusyon.

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
COLLEGE OF SOCIAL SCIENCE AND PHILOSOPHY
Office Address
Ground Floor Palma Hall Pavilion 2 Quirino Avenue, University of the Philippines Diliman, Quezon City 1101

Email address
history.upd@up.edu.ph
Copyright © 2018 UPD CSSP. All rights reserved.
  • Home
  • About Us
    • About the Department
    • Department Officials
  • Program
    • BA History
    • Graduate Programs: MA History and PhD History
    • Course Offerings
  • People
  • News & Events
  • Publications
  • Opportunities
  • Contact Us