Journal Article Mga Senyales ng Panahon at ang Dalawang ‘Kaganapang Di-Naganap’ sa 1872 (Signs of the Times and the Two ‘Events That Did Not Happen’ in 1872) Humanities Diliman

Abstract
Sa pamamagitan ng magkasalikop na historiograpiko at semiotikong lapit, sinusuri sa artikulong ito ang ‘1872’ bilang sagisag ng mga kaganapan at pangyayari, nang may diin sa dalawang ‘kaganapang di-naganap’ na mababasa sa mga pagwiwika nina José Rizal noong 1889 at Teodoro Agoncillo noong 1958. Kabilang sa pagbasa ang pagkasangkapan sa konsepto ng ‘sagisag,’ gayundin ang pagdadalumat sa ‘pangyayari’ at ‘kaganapan,’ na iisa lamang sa pagwiwikang Ingles, kung hindi man Kanluranin—event.
Keywords
1872
Gomburza
pangyayari
kaganapan
event
Read the publication   View Publication

Reach out to the researchers:
Emmanuel Jayson V. Bolata evbolata@up.edu.ph