Martial Law Mobile Gallery
Published on 16 September 2025 | UP Department of History
September 24, 2025
10:00 AM - 3:00 PM
Palma Hall Lobby
Inaanyayahan ang lahat na bumisita at lumahok sa Martial Law Mobile Gallery: Ten Essential Truths. Ang gallery ay isang espasyo para sa edukasyon at repleksyon sa rehimeng Marcos; tampok dito ang mga interaktibong mga materyales at aktibidad na mas makapagpapalalim sa ating pag-unawa sa kasaysayan ng batas militar. Magiging bukas para sa lahat ang gallery mula 23 hanggang 25 ng Setyembre, mula 10:00 n.u. hanggang 3:00 n.h. sa Palma Hall Lobby.
Ang pakikipagtulungang ito sa Human Rights Violations Victims' Memorial Commission ay bahagi rin ng selebrasyon ng ika-115 na pagkakatatag ng ating departamento.
Buod ng impormasyon:
Martial Law Mobile Gallery: Ten Essential Truths
10:00 n.u. hanggang 3:00 n.h.
23-25 Setyembre 2025
Palma Hall Lobby
No registration link. Walk-in to attend!