Pagbati sa iyong pagwawagi ng NCCA Young Historian’s Prize 2020!
Published on 26 April 2025 | UP Department of History
Pagbati sa iyong pagwawagi ng NCCA Young Historian's Prize 2020! Padayon, Sir Francis!
Si Francis Justine M. Malban ay Katuwang na Propesor sa UP Departamento ng Kasaysayan. Nagtapos siya ng kaniyang Masterado sa Arte ng Kasaysaya sa taong 2019. Ang pamagat ng kaniyang tesis masterado ay "A History of Mental Health Institutions in the Philippines, 1898-1935." Kabilang rin sa mga guro ng Departamento na ginawaran ng NCCA Young Historian's Prize ay sina Prop. Neil Martial R. Santillan at Kaw. Prop. Ruel V. Pagunasan noong 2010, Kaw. Prop. Kristoffer R. Esquejo at Kat. Prop. Jely A. Galang noong 2011, at Kat. Prop. Kerby C. Alvarez noong 2015.
