Publications
Lunas ng Taong-Labas sa Kontemporanyong Panahon: Ang Tawak at Tandok ng Marinduque
Tampok sa pag-aaral na ito ang dalawang tradisyonal na pamamaraan at gawi sa Marinduque upang mapigilan at malunasan ang lala (kamandag/lason): ang pag-inom ng tawak at ang pagtatandok. Ang tawak ay isang inuming inorasyunan na binubuo ng iba’t ibang sangkap at niluluto ng magtatawak. Iniinom tuwing Biyernes Santo, pinaniniwalaang nakakapagpawalang-bisa ito ng kamandag ng hayop, gayundin ang iba pang benepisyong pangkalusugan. Isinasagawa naman ang tandok ng mga manggagamot sa mga pasyenteng nakagat ng makamandag na hayop. Gumagamit ang magtatandok ng bolang kristal, sungay, patalim, at orasyon upang ilabas sa katawan ng pasyente ang lala. Sinisiyasat ng pag-aaral na ito ang gampanin ng mga naturang tradisyon sa kasalukuyang lipunang Marinduqueño. Sa isang banda, makikitang reaksyon ito ng “taong-labas” sa harap ng kadahupan sa modernong akses-medikal. Sa kabilang banda, nararapat ding kilalanin ang matagal nang pamamayagpag ng mga ganitong tradisyon kung ipopook sa mas malawak na konteksto ng kalinangan at kasaysayan.
Marinduque
Tawak
Tandok
Lala
Bisa
Protestante Man, Lumaban Din: Ang Paninindigan ng Convention of Philippine Baptist Churches (CPBC) Laban sa Diktadurang Marcos
Laganap ang pangkalahatang pagtingin sa mga Kristiyano, Katoliko man o Protestante, bilang pasibong mga tagasunod ng gobyerno bago ang Rebolusyong EDSA ng 1986. Hindi ito totoo kung sisiyasatin ang tindig ng iba’t ibang denominasyong Protestante sa bansa. Sa kaso ng Convention of Philippine Baptist Churches (CPBC), tanging pangkating Baptist na kasapi ng National Council of Churches in the Philippines (NCCP) at nakahimpil sa Kanlurang Bisayas, unang nagkaroon ng dalawang hiwalay na tugon ang mga kasapi nito nang unang mailuklok sa kapangyarihan si Pangulong Ferdinand E. Marcos. Sa isang banda, maagang pumanig sa gobyerno ang liderato ng CPBC kasama ang nakararaming matatandang kasapi nito bunga na rin ng malaking takot at pangamba sa paglaganap ng komunismo sa bansa. Sa kabilang banda, mayroong mga kabataang nanatiling Baptist subalit naging aktibo sa paglahok sa mga demonstrasyon laban sa Diktadurang Marcos. Ilan sa kanila ay umanib pa mismo sa armadong pakikibaka. Magkaiba man ang pagtugon ng mga kasapi, humantong kalaunan ang CPBC sa pagkakaroon ng iisang tindig laban sa katiwalian at pang-aabuso ng Diktadurang Marcos na lalong nag-alab hanggang sa pagsapit ng 1986.
Ang papel na ito ay isang pagsasakasaysayan sa karanasan at landas na tinahak ng liderato at kasapian ng CPBC sa isang madilim na yugtong pangkasaysayan. Nilalayon din ng pag-aaral na maihabi ang mga naratibo at ambag ng mga kabataang Baptist sa mahabang kasaysayan ng pakikibaka ng mga Pilipino tungo sa kalayaan at kaginhawahan ng inang bayan.
Ang papel na ito ay isang pagsasakasaysayan sa karanasan at landas na tinahak ng liderato at kasapian ng CPBC sa isang madilim na yugtong pangkasaysayan. Nilalayon din ng pag-aaral na maihabi ang mga naratibo at ambag ng mga kabataang Baptist sa mahabang kasaysayan ng pakikibaka ng mga Pilipino tungo sa kalayaan at kaginhawahan ng inang bayan.
Ati, Bukidnon, at Agraviados: Ang Taong-Labas at Paglikha ng Panghimagsikang Tradisyon sa Isla ng Panay
Tatlong hibla ng pangkating Panayanhon sa kasaysayang Pilipino sa Isla ng Panay ang nagsalubong, nagsanib, at naghugpong para sa kalayaan ng Inang-Bayan – Ati, Bukidnon, at mga Agraviados. Tulak ng karanasang kolonyal, ang nabanggit na tatlong pampamayanang grupong nasadlak sa ekspansiyong kolonyal, at mahigpit na integrasyong sosyo-kultural ng mga mananakop, ang naging malaking salik sa kanilang kaisahan pagsapit ng huling bahagi ng siglo 19. Salig sa kinagisnang kamalayan, ang pagkakapit sa subling panghimanwa (manang paglilingkod-bayan), kabubut-on sang banwa (kaloobang bayan), at pakig-angot pangkatilingban (pakikipag-ugnayang panlipunan) ang nakapagbigay-liwanag sa atin hinggil sa kanilang pagsanib-lakas sa Himagsikang Pilipino.
Tinitindigan na sa pamamagitan ng maragtasong inagihan (pangkasaysayang karanasan), at sosyo-kultural na lente, maipapaliwanag ang pagkakaroon ng ribuk (himagsikan) bilang panlipunang gumuntang (penomeno) noong huling-hati ng siglo 19. Inaasahang sa pamamagitan sa inter-disiplinaryong pagtingin, mabibigyang-liwanag ang naganap na gumuntang (kalakaran) at hitabu (kaganapan) sa pakig-ugyon (pagkakaisa) ng tatlong pangkating pampamayanan at ang naging papel nila sa paglikha ng panghimagsikang tradisyon sa Isla ng Panay.
Nilalayon ng pananaliksik na ito na ilarawan ang kontekstong heograpiko at sosyo-kultural na nagbigay-hugis sa pag-usbong ng nabanggit na pangkating naghimagsik. Ilalatag sa sanaysay pagkatapos ang kalakasang sosyo-kultural ng mga Panayanhon lakip maging ang pagtatampok sa naging kalakaran ng mga entradang kolonyal sa Pilipinas na kinasangkutan ng mga Pintados. Higit sa lahat, isasalaysay pagkatapos nito ang naganap na kalakaran sa himagsikan at kaganapan sa pakikidigmang inilunsad ng mga naghugpong na mga Anak ng Bayan sa nasabing Isla.
Tinitindigan na sa pamamagitan ng maragtasong inagihan (pangkasaysayang karanasan), at sosyo-kultural na lente, maipapaliwanag ang pagkakaroon ng ribuk (himagsikan) bilang panlipunang gumuntang (penomeno) noong huling-hati ng siglo 19. Inaasahang sa pamamagitan sa inter-disiplinaryong pagtingin, mabibigyang-liwanag ang naganap na gumuntang (kalakaran) at hitabu (kaganapan) sa pakig-ugyon (pagkakaisa) ng tatlong pangkating pampamayanan at ang naging papel nila sa paglikha ng panghimagsikang tradisyon sa Isla ng Panay.
Nilalayon ng pananaliksik na ito na ilarawan ang kontekstong heograpiko at sosyo-kultural na nagbigay-hugis sa pag-usbong ng nabanggit na pangkating naghimagsik. Ilalatag sa sanaysay pagkatapos ang kalakasang sosyo-kultural ng mga Panayanhon lakip maging ang pagtatampok sa naging kalakaran ng mga entradang kolonyal sa Pilipinas na kinasangkutan ng mga Pintados. Higit sa lahat, isasalaysay pagkatapos nito ang naganap na kalakaran sa himagsikan at kaganapan sa pakikidigmang inilunsad ng mga naghugpong na mga Anak ng Bayan sa nasabing Isla.
Disease, Death, and Destruction: Dante and Boccaccio's Second Coming and Interstices of Filipino Reception
The present paper examines the "second coming" of Dante Alighieri and Giovanni Boccaccio through Filipino reception. The four Florentine "presences" in the Filipino milieu are: 1) the 1917 adaptation of La Divina Commedia by Rosendo Ignacio, 2) the 2013 reception to Dan Brown's Inferno, when Manila was called the "gates of hell," 3) Resty Mendoza Ceña's Impyerno (2017) and 4) Virgilio S. Almario's Dekameron (2021). Intertextualities and interstices of these receptions share the common themes of disease, death, and destruction. Reading such texts in light of health, the paper attempts to extract meanings and lessons relevant to our current struggle against the COVID-19 pandemic.
Dante
Boccaccio
Filipino reception
COVID-19
loob
Policing the Chinese: tenientes Mayores de Chinos and ‘Undesirable’ Chinese in the Philippines, 1870-1898
This paper explores an aspect of the 19th-century Philippine judicial system by examining the origins and development of the office of the tenientes mayores de chinos framed within the broader state concern related to the “undesirable” Chinese in the last three decades of the Spanish regime. Using underutilized primary materials from various archives in Manila and Madrid, it probes into how and why the government deemed it necessary to include the Chinese community in curbing criminality through such “Chinese agents.” Although a brief section is devoted to law enforcement agencies from outside the Chinese community, the focus will be on these Chinese officers, specifically interrogating how they conducted their dual function as government agents who had to enforce the law, and, at the same time, as leaders of their community, expected to protect their compatriots, even the “criminal” ones.
| Title | Book | Faculty Involved | Keywords | Year |
|---|---|---|---|---|
| The Diorama Experience of Philippine History | The Diorama Experience of Philippine History | Jely A. Galang, Ph.D., Rhodalyn C. Wani-Obias, Ph.D., Janet S. Reguindin-Estella, Ph.D., Francisco Jayme Paolo A. Guiang | 2025 | |
| At gayon ma’y gumagalaw Modernong kaalaman, pulitikang kolonyal, at ang 'Trial of Galileo' ni Juan Luna | The Filipino worldview through art, images, and objects. From indigenous cultures to the 19th century | Emmanuel Jayson V. Bolata | Juan Luna, Trial of Galileo, Propaganda Movement, Filipino enlightement, Juicio a Galileo, Galileo, Movimiento de propaganda, Ilustración filipina | 2025 |
| Inventing a People. Distorting the Images of Macabebe, 1899 | The Filipino worldview through art, images, and objects. From indigenous cultures to the 19th century | Ian Christopher B. Alfonso, Ph.D. | José de Olivares, Aztecs, Macabebe Scouts, Tinguians, Emilio Aguinaldo, Aztecas, Exploradores macabebe, Tinguianos | 2025 |
| Independence and Public Health: Technologies of Rule in the Colonial Philippines, 1900–1930s | Dreams of Prevention and Control: Policing and Public Health in Colonial Asia | Ma. Mercedes G. Planta, Ph.D. | 2025 | |
| Indigenous datus' Constructions of Colonial Enslavement in the Philippines of Spain's Transpacific West | The Routledge Companion to Race in Early Modern Artistic, Material, and Visual Production | Nicholas Michael C. Sy | 2025 | |
| Bridging Science and Local Knowledge/Perception: A Case Study of Manila Bay Coastal Provinces (Philippines) After the 1988 Red Tide Episode | Scientists and the Establishment of a Mass Environmental Awareness (1950-1990) | Ma. Luisa De Leon-Bolinao, Ph.D. | 2025 | |
| A Woman, a Certain Sora | More Pinay Than We Admit 2: The Filipinas Emerges from the Margins | Maria Serena I. Diokno, Ph.D. | 2025 | |
| Road to Political Empowerment: Women’s Organizations and the Fight for Suffrage (1905-1937) | More Pinay Than We Admit 2: The Filipinas Emerges from the Margins | Janet S. Reguindin-Estella, Ph.D. | 2025 | |
| Sweet Hopes and Delightful Longings”: Motherhood in Early Twentieth Century Philippines. | More Pinay Than We Admit 2: The Filipinas Emerges from the Margins | Rhodalyn C. Wani-Obias, Ph.D. | 2025 | |
| Illegal Immigration and Chinese Transnational Networks in Southern Philippines, 1850–1898 | Transnational Southeast Asia: Communities, Contestations and Cultures | Jely A. Galang, Ph.D. | Chinese, Philippines, Illegal migration, Sulu, Mindanao | 2025 |
| Optics, Illusions, and Historical Philippine Populations | Everyday Life in the Philippines, 1657–1699 | Nicholas Michael C. Sy | 2025 | |
| Wills of the Dead: Inheritance and Other Legacies in Early Modern Philippines | Everyday Life in the Philippines, 1657–1699 | Grace Liza Y. Concepcion, Ph.D. | 2025 | |
| Navigating Legal Frontiers: Spanish consulates in Singapore and Hong Kong in the second half of the nineteenth century | Redes Consulares en el Mar de China. Cónsules extranjeros en Filipinas Cónsules españoles en China | Ros A. Costelo, Ph.D. | 2024 | |
| Colonias Entrelazadas: Filipinas y el Establecimiento de los Consulados Españoles en Singapur y Hong Kong en la Segunda Mitad del Siglo XIX | Cónsules e Imperios El establecimiento de consulados extranjeros en las Filipinas del Siglo XIX | Ros A. Costelo, Ph.D. | 2023 | |
| Indigenous Landowners in the 17th-century Philippines. | 1521 Revisited: The Quincentennial Commemorations in the Philippines, volume III, 184-200 | Grace Liza Y. Concepcion, Ph.D. | Land ownership, 17th century, land dispute, land sale, Philippines | 2023 |
| Lo que entra por la boca no hace daño al alma: food, sailors, and the seventeenth-century Spanish Pacific | Sincronías Barrocas (Siglos XVI-XVIII): Agentes, textos y objetos entre Iberoamérica, Asia y Europa | Kristyl N. Obispado, Ph.D. | Sailors’ food, seventeenth century, Pacific sailor, heresy, Spanish empire | 2023 |
| Cabecilla principal de sangleyes and Chinese immigration in the late- eighteenth century Philippines | Sincronías Barrocas (Siglos XVI-XVIII): Agentes, textos y objetos entre Iberoamérica, Asia y Europa | Jely A. Galang, Ph.D. | Chinese laborers, cabecilla principal, immigration, Manila | 2023 |
| Paramount Yet Frontier: A Historiographical Appraisal of Select 18th-Century Philippine Geological Disasters | Sincronías Barrocas (Siglos XVI-XVIII): Agentes, textos y objetos entre Iberoamérica, Asia y Europa | Kerby C. Alvarez, Ph.D. | Earthquakes, volcanic eruptions, eighteenth-century Philippines, historical disasters, Philippine colonial history | 2023 |
| Si Rene O. Villanueva sa Panimulang Yugto ng Pag-akda para sa Bata, 1977-1986 | Bata, Hiwaga, Bansa: Pamana ni Rene O. Villanueva sa Panitikang Pambata | Emmanuel Jayson V. Bolata | Rene Villanueva, panitikang pambata, kasaysayang pampanitikan | 2023 |
| The Czechs in the Philippines in World War II | Kaibigan-Prátelé: Czech-Philippines | Ricardo T. Jose, Ph.D. | 2023 | |
| Surviving Obscurity: An Inquiry into the Malisbong Massacre (1974–2013) | The Marcos Years: The Age of Crisis and Repression | Lorenzo Jose C. Martinez | 2023 | |
| To Struggle and Triumph: Maria Cristina V. Rodriguez’s Life during the Martial Law Years | The Marcos Years: The Age of Crisis and Repression | Francisco Jayme Paolo A. Guiang | 2023 | |
| Introduction: Storytelling and Academic Study: Toward a Memory of Dictatorship | The Marcos Years: The Age of Crisis and Repression | Ferdinand C. Llanes, Ph.D. | 2023 | |
| Foundations of Philippine Environmentalism: Science, Citizenship, and Nationhood | Philippine Studies: Plural Entanglements | Ruel V. Pagunsan, Ph.D. | 2023 | |
| Textiles and Other Trade Goods: The Philippines in the Sixteenth-Century Global Trade | Philippine Studies: Plural Entanglements | Kristyl N. Obispado, Ph.D. | 2023 | |
| Emergence of "Undesirable" and "Proletariat" Chinese in the Nineteenth-Century Philippines. | Philippine Studies: Plural Entanglements | Jely A. Galang, Ph.D. | 2023 | |
| The case of the dead sailors and the things they left: A microhistorical analysis of the Carrera del Pacífico in the sixteenth century | Europa y América: el mar y la primera globalización, Colección Historia Medieval y Moderna | Kristyl N. Obispado, Ph.D. | Carrera del Pacífico, dead sailors, microhistory, labor, global trade goods | 2023 |
| Rizal’s Project: Historical Reconstruction of the Philippine Past | 1521 Revisited: The Quincentennial Commemorations in the Philippines Volume 2 | Kerby C. Alvarez, Ph.D. | 2023 | |
| Populist authoritarianism against the ‘Firewall’ of rights and due process | The Volatility and Future of Democracies in Asia | Maria Serena I. Diokno, Ph.D. | 2022 | |
| Colonial Civil Engineers and the Inspección General de Obras Públicas 1866-1898 | Transforming the 19th Century Philippines | Ros A. Costelo, Ph.D. | 2022 | |
| Lunas ng Taong-Labas sa Kontemporanyong Panahon: Ang Tawak at Tandok ng Marinduque | Taong-Labas: Ang Tulisan, Remontado, at Vagamundo sa Kasaysayan at Kalinangang Pilipino | Emmanuel Jayson V. Bolata | Marinduque, Tawak, Tandok, Lala, Bisa | 2022 |
| Protestante Man, Lumaban Din: Ang Paninindigan ng Convention of Philippine Baptist Churches (CPBC) Laban sa Diktadurang Marcos | Taong-Labas: Ang Tulisan, Remontado, at Vagamundo sa Kasaysayan at Kalinangang Pilipino | Kristoffer R. Esquejo, Ph.D. | 2022 | |
| Ati, Bukidnon, at Agraviados: Ang Taong-Labas at Paglikha ng Panghimagsikang Tradisyon sa Isla ng Panay | Taong-Labas: Ang Tulisan, Remontado, at Vagamundo sa Kasaysayan at Kalinangang Pilipino | Vicente C. Villan, Ph.D. | 2022 | |
| Disease, Death, and Destruction: Dante and Boccaccio's Second Coming and Interstices of Filipino Reception | Himaya: Panitikan ng Pagbabanyuhay | Emmanuel Jayson V. Bolata | Dante, Boccaccio, Filipino reception, COVID-19, loob | 2022 |
| Policing the Chinese: tenientes Mayores de Chinos and ‘Undesirable’ Chinese in the Philippines, 1870-1898 | Philippines–China Relations at 45 During the COVID-19 Pandemic: New Discoveries, Recent Developments, and Continuing Concerns | Jely A. Galang, Ph.D. | 2021 |