Mga Oryentasyon sa mga Gradwadong Mag-aaral, 25 Pebrero at 03 Marso 2025
Isinagawa ng UP Departamento ng Kasaysayan, sa pangunguna ng Gradwadong Komite ng Departamento, ang serye ng mga oryentasyon para sa mga gradwadong mag-aaral ng Departamento.
Noong 24 Pebrero 2025, mula ika-4 hanggang ika-5:30 nang hapon, isinagawa ang “Araw ng mga Gradwadong Mag-aaral ng Kasaysayan,” ang regular na oryentasyon para sa mga bagong mag-aaral sa gradwadong programa ng Departamento. Sa aktibidad na ito, ipinakilala ng Gradwadong Komite ang Gradwadong Kaguruan ng Departamento, ang kurikula at mga kahingian ng masterado at doktoradong programa, gayundin ang iba pang kaugnay na bagay na mahalaga sa kanilang pagtupad sa mga rekisito ng Departamento. Ang gawaing ito ay isinagawa sa hybrid format (onsite at online).
Samantala, noong 03 Marso 2025, mula ika-10 hanggang ika-11 nang umaga, isinagawa naman ang isang espesyal na oryentasyon (online format, via Zoom) para sa mga gradwadong mag-aaral na nasa antas ng tesis/disertasyon (kasalukuyang rehistrado sa kursong Kasaysayan 300 [Tesis Masterado] at Kasaysayan 400 [Disertasyong Doktoral]). Isinagawa ang gawaing ito upang ipaalam sa mga mag-aaral ang proseso ang kanilang pagtupad sa mga kahingian ng kani-kaniyang proyektong tesis at disertasyon.